Saturday, March 29, 2008

6 NA STL BOOKIES ARESTADO SA ILLEGAL GAMBLING

SAN PEDRO - Arestado ang anim na katao sa isang operasyon isinagawa ng Regional Special Operation Group (RSOG) sa pamumuno ni P/SSupt. Wilfredo Reyes sa Barangay Cuyab sa bayang ito noong Marso 25, taong kasalukuyan.
Six (6) persons arrested while actually engaged in illegal gambling at Brgy Cuyab and Brgy San Roque, Laguna on March 25, 2008.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Alfredo Tipon Temprosa, 50 anyos; Myrna Romero Temprosa, 54 anyos; Cristina Ison Guinovan, 66 anyos; Leonardo Belza Mechado, 69 anyos; Gloria Bayani Mechado, 53 anyos, pawang mga residente ng naturang barangay at si Julie Vernadero Amil, 47 anyos, residente ng #116 A. Luna Street, Brgy Poblacion, ng bayan din ito. Nakumpiska mula sa anim na STL bookies ay anim (6) na STL betting sheets at anim (6) na piraso ng ballpens. Ipapataw sa anim ang paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287.
Sabi naman ni P/CSupt. Ricardo I Padilla, Regional Director ng PRO CALABARZON na kinakailangan gamitin ng kapulisan ang kanilang puwersa at lakas upang tuluyan nang masugpo ang Illegal Gambling sa rehiyon. Kasama na dito ang mga masasamang elemento na gumagawa ng krimen.
"Ordinary people can help stop the bad elements who want to destroy the peace and order of the region. Isumbong ninyo lang sa mga Mamang Pulis at Aling Pulis upang masugpo ang kasamaan, asahan ninyo na kami lagi ay nasa panig ninyo." dagdag pa ni Padilla (PNP PRO4-A PIO/ARJAY SALGADO)

SUSPECTS SA PANGINGIDNAP NG MGA BATA NAHULI

PAGBILAO, QUEZON - Nahuli kamakailan ng mga operatiba ng 417th Provincial Police Mobile Group (PPMG) ang tatlong suspects sa mga serye ng pangingidnap ng mga bata batay sa impormasyon na tinanggap nito mula sa Municipal Police Station ng bayang ito.
Ayon sa report ng pulisya, dakong alas 5 ng hapon ng maganap ang tangkang pangingidnap sa dalawang Grade 3 students sa may Barangay Ibabang Palsabangon habang naghihintay ang mga ito ng masasakyang jeepney. Bigla diumano’y may tumigil sa tapat nilang kulay maroon na van na may plakang DTT 256. Ang tatlong suspects na lulan ng van ay pilit na isinasakay ang nasabing mga bata ngunit nakatakas ang mga ito at kumubli sa isang tindahan malapit sa pinangyarihan. Agad naman humingi ang may ari ng nasabing tindahan sa kapulisan at ibinigay ang plate number ng nasabing van.
Nirespondehan naman ng kapulisan ang panawagan at agad na inalerto ang mga operatiba sa kalapit na bayan at probinsiya hinggil sa pangyayari at sa deskripsiyon ng naturang van. Dakong alas 6:30 ng hapon ding iyon ay namataan ng 417th PPMG ang nasabing sasakyan at agad na hinarang ito.
Ang tatlong suspects na lulan ng van ay nakilala sa mga pangalang Alnorman-dy Baluyo, 35 anyos, may asawa at residente ng Puro Sta Cruz, Naga City; Alfonzo Pillado, 28 anyos, binata at residente ng Buhay Libmanan, Camarines Sur; at si Paul Gara, Jr, 31 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Silungan, Butuan City. Ang mga suspects ay nakakulong sa Quezon Provincial Jail sa Lucena City. (ARJAY SALGADO)