CABUYAO – Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng Water Tank #1 ng Light Industry and Science Park 1 (LISP 1) sa Brgy. Diezmo kamakailan dakong alas-diyes ng umaga. Ang nasabing mga bangkay na napag-alamang mga pintor ay sina sina John Anthony Tan, 21 anyos, at nakatira sa Blk. 15 Lot 15 ng Bayview Subd., Bay, Laguna at Jose Gregorio, 21 anyos, at nakatira sa Brgy. Bañadero, Calamba City.
Ayon sa pulisya ng bayang ito, nagsasagawa si P/Senior Inspector Romeo Delos Santos, ang Deputy ng LIPPAG nagsasagawa ng paginspeksiyon sa nasabing paligid ng LISP1 nang mapansin niya ang dalawang nasabing bangkay. Agad naman ito itinawag sa himpilan ng PNP ng nasabing bayan upang magbigay ng agarang aksiyon. Ang mga nasabing bangkay ay idinala sa Señerez Funeral Homes upang gawan ng kaukulang awtopsiya. Napag-alaman din ng pulisya na nagsasagawa ng pagpipintura ang dalawang lalaki.
Sa pangunguna naman ni P/Senior Inspector Grace Plantilla at sa tulong ng SOCO, ang nasabing insidente ay patuloy na iniimbistigahan at hinahanapan ng mga pisikal na ebidensiya na siyang tutulong sa paglutas ng nasabing kaso. (ARJAY SALGADO/PNP PRO 4-A PIO)