Tuesday, May 27, 2008

SUSPEK SA HORNALAN MASAKER NAPATAY

CALAMBA CITY - Iniulat kamakailan ni CALABARZON Regional Director P/C Supt. Ricardo I. Padilla na napatay sa isang shoot-out si Bernabe Fiesta a.k.a. Abe, ang pangunahing suspek sa nakaraang Brgy. Hornalan Massacre.
Si Fiesta ay natunton ng mga operatiba ng kapulisan sa mangunguna ni P/Insp. Alex Marasigan sa pamamagitan ng impormasyon binigay sa kanila na diumano’y nagbalik sa tinitirhang kubo ang suspek upang doon magpalipas ng gabi.
Ani ni Padilla, tinangkang hulihin ng mga kapulisan si Fiesta ngunit mas ninais ng huli na manlaban sa awtoridad na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sa pagkakapatay sa suspek, nilinaw ni Padilla na pagtutuunan ngayon ng pansin ng mga imbestigador ang posibleng pagkakasangkot sa kaso ni Retired Police Officer Florencio Peria.
Matatandaan na si Peria ay dinakip matapos makuha ng mga imbestigador sa pi-nangyarihan ng krimen ang magazine ng M16 rifle na may pangalan ng retiradong pulis. Ang insidente ay nagre-sulta sa pagkamatay ng walong (8) katao at lubhang ikinasugat ng anim (6) pang iba.
Samantalang ang Calam-ba City Police naman ay nakakuha mula sa lugar ng enkwentro ang ilang ebidensiya tulad ng isang (1) M16 armalite rifle na may serial # RP 191600 at ilang mga bala na siyang isinumite sa pangangalaga ng Regional Crime Laboratory Office 4 para sa kaukulang proseso.
Ang mga labi ni Fiesta ay inilagak sa Funeraria Senerez De Mesa sa Rizal St, Calamba City. (ARJAY SALGADO)

MGA SUSPEK SA RCBC ROBBERY-MURDER PATAY SA SHOOT-OUT

BATANGAS - Inanunsiyo kamakailan ni PC Supt. Ricardo I. Padilla, Regional Director ang malaking tagumpay sa isinasagawang anti-criminality campaign na inilunsad ng kanyang tanggapan.
Noong Mayo 21, taong kasalukuyan, ang mga elemento ng Task Force RCBC ng Batangas PPO sa ilalim ni PSupt. Gilbert Sauro, habang nagsasagawa ng surveillance operations laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa RCBC Robbery-Murder, ay nagkaroon ng enkuwentro sa Tanauan City. Ang ulat na pinaabot sa Regional Office ay nagsabing ang insidente ay nagresulta sa pagkakapatay sa isang Pepito Magsino, 35 anyos, at residente ng Brgy. IV, Poblacion Tanauan City at pagkakasugat naman ni SPO1 Reynaldo Salazar, na nakatalaga sa Batangas Police Office. Nakuha mula sa pinangyarihan ay ilang mga bala at basyo ng mga baril na may kalibreng .38 at .45.
Sa kaugnay na balita, ang Task Force din iyon habang nagsasagawa ng follow-up operations sa Brgy. Pagaspas, ay naka-enkuwentro ang isa pa din grupo na nagresulta sa pagkakapatay sa isang Vivencio Javier, 55 anyos, at dating Chairman ng nasabing barangay, isang Angelito Malabanan, 35 anyos, at isang Rolly Lachica, 50 anyos, pawang mga residente ng naturang lugar. Nasamsam sa nasabing enkuwentro ang ilang mga kalibre ng baril, bala, pati na mga cellphones.
Sinabi naman ni PSupt. Willy Atun, OIC ng Tanauan City Police Station na ang mga operatiba ng task force din iyon ay umaresto sa isang Louie Austria at Allan Tapia dahil sa pagdadala ng bawat isa ng Armscor .45 pistol.
Nilinaw naman ni Padilla na patuloy pa din ang mga imbestigador sa pagdetermina kung ang mga nasabing masasamang elemento ay konektado sa pangloloob sa RCBC na nag-iwan ng sam-pung (10) patay na katao.
Idinagdag pa niya na ang mga armas at basyo ng bala na nakumpiska sa mga pinangyarihan ay isasailalim sa pagsusuri at cross matching sa mga ballistics evidences na nakuha sa RCBC Bank Robbery-Murder. Na-niniwala naman si Padilla at kumpiyansa na ang malawakang follow-up operations na isinasagawa sa kasalukuyan ay magkakaroon ng positibong resulta sa mga darating pang araw.
Samantalang, hindi lahat ay naniniwalang lehitimong operasyon ang nabanggit na enkuwentro. Lalo na ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ng mga napatay na sina Javier at Lachica. Ayon sa kanila, matahimik at mapayapang nabubuhay ang dating Brgy. Chairman, at imposibleng anila’y makasangkot ito sa nasabing RCBC Robbery-Murder sa Cabuyao, Laguna. Nguint pinaninindigan naman ng kapulisan na isang lehitimong operasyon ang naganap at hindi rub-out ang naganap. (SULONG NEWS TEAM)

ILEGAL NA DROGA AT MGA ARMAS NASAMSAM

CAVITE - Nasamsam kamakailan sa Brgy. Datu Esmael, DasmariƱasa sa lalawigang ito ang ilang plastic na naglalaman ng shabu at mga armas at bala sa isinagawang sabay-sabay na Anti-Illegal Drugs Operations ng mga Elemento ng Cavite PPO-Special Operations Group sa pangunguna ni PSupt. Steve B. Ludan, CMU, PDEA PRO CALABARZON sa ilalim naman ni PC Insp. Christopher N. Abrahano ng RMG-4 at sa pangkalahatang direktiba ni PSupt. Marcus Badilla, DPDA/Chief Of Police ng DasmariƱas Municipal Police Station.
Kinilala naman ni PC Supt. Ricardo I. Padilla ang mga sangkot sa nasabing operasyon ng Ilegal na droga na sina Sittie Hadji Nasripha Esmael, Pimbago Manap, Mucsis Amentao a.k.a. Lumbak, Hadji Johairah Intan Adam, Landi Amer Muhaisen at Mastorah Amentao. Ang nasabing Illegal-Drug Operation na isinagawa ay sa bisa ng Search Warrant for Violation of Sec 11, art 2 of RA 9165, na iginawag ni Hon. Reynaldo G. Ros, Executive Judge ng National Capital Region, RTC Branch 33, Manila.
Nakuha mula sa pamamahay ng mga suspek ang mga sumusunod:
a) Hadji Johairah Intan Adam – dalawang (2) pirasong plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu;
b) Mucsis Amenato a.k.a. Lumbak – tatlong (3) pirasong plastic sachet hinihinalang naglalaman ng shabu;
c) Muhaisen – isang (1) pirasong plastic sachet hinihinalang naglalaman ng shabu;
d) Mastorah Amentao – tatlong (3) pirasong plastic sachet hinihinalang naglalaman ng shabu;
e) Lindi Amer - isang (1) Baby Armalite kasama ang ilang magazine at bala; isang (1) shotgun at dalawampu’t apat (24) na bala; isang (1) caliber .45 at apatnapu’t anim (46) na bala live ammunition at limang (5) magazine. Samantalang wala namang nakuhang mga ebidensiya mula sa pamamahay nina Sittie Hadji Nasripha Esmael at Pimbago Manap.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa masusing pagmamasid ni Prosecutor Hilario B Dumaual ng Cavite Prosecutor’s Office (DOJ), kasama ang media at Barangay Officials na sumaksi sa maayos at mapayapang pagkumpiska sa mga ebidensiya.
Ang mga nasabing nasamsam na mga droga ay isinumite sa PDEA Laboratory para sa kaukulang eksaminasyon habang ang mga armas at bala nama’y nasa pangangalaga ng tanggapan ng pulisya para sa FED Verification.
Samantalang wala sa kani-kanilang mga pamamahay ang mga nasabing suspek nang maganap ang Search Operations. Inihahanda na ang mga kaukulang demanda laban sa mga ito. (ARJAY SALGADO)

Thursday, May 8, 2008

DATING DOJ SEC HERNANDO PEREZ, SUMUKO NA

BATANGAS CITY - Nagtungo kamakailan ang mga operatiba ng Batangas Provincial Police Office sa pangunguna ni P/Supt. Gilbert G. Sauro at ang Batangas Criminal Investigation and Detection Team sa pangunguna naman ni P/Supt. Archival D. Macala sa tahanan ng dating Department of Justice Secretary na si Hernando Benito "Nani" Perez sa Mt View Park Subdivision Brgy 1, Batangas City upang isilbi ang Warrant of Arrest noong Abril 29, taong kasalukuyan na pinalabas ng Sandigan First Division, Quezon City para sa Violation of Section 3 (b) of RA 3019; Violation of Art 219 in Relation to Article 294, RPC (Robbery); Falsification of Public/Official Document (Art 171, RPC) and Violation of Sec 07, RA Nr 3019 as amended in relation to Sec 08, RA Nr 6713. Subalit ang tanging nadatnan noong araw na iyon ng mga operatiba ng kapulisan ay ang kasambahay na na-roon sa mga oras na iyon.
Dakong hapon ng malaman ni Perez ang nangyari sa kaniyang tahanan, boluntaryong sumuko si Perez sa Batangas CIDT upang iprisinta ang mga kopya ng Orders of Admission of Bail Bonds na may petsang April 28, taong kasalukuyan at ginawad in Hon. Judge Ruben A. Galvez ng RTC 4th Judicial Region, Branch 3, Batangas City para sa lahat ng kasong nakasaad na sinaksihan naman ni P/Sr. Supt. David Quimio, Provincial Director ng Batangas at si P/Sr. Supt. Chirstopher Laxa, Regional Officer ng 4A RCIDU. (ARJAY SALGADO / PNP R4A PIO)