Tuesday, May 27, 2008

ILEGAL NA DROGA AT MGA ARMAS NASAMSAM

CAVITE - Nasamsam kamakailan sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñasa sa lalawigang ito ang ilang plastic na naglalaman ng shabu at mga armas at bala sa isinagawang sabay-sabay na Anti-Illegal Drugs Operations ng mga Elemento ng Cavite PPO-Special Operations Group sa pangunguna ni PSupt. Steve B. Ludan, CMU, PDEA PRO CALABARZON sa ilalim naman ni PC Insp. Christopher N. Abrahano ng RMG-4 at sa pangkalahatang direktiba ni PSupt. Marcus Badilla, DPDA/Chief Of Police ng Dasmariñas Municipal Police Station.
Kinilala naman ni PC Supt. Ricardo I. Padilla ang mga sangkot sa nasabing operasyon ng Ilegal na droga na sina Sittie Hadji Nasripha Esmael, Pimbago Manap, Mucsis Amentao a.k.a. Lumbak, Hadji Johairah Intan Adam, Landi Amer Muhaisen at Mastorah Amentao. Ang nasabing Illegal-Drug Operation na isinagawa ay sa bisa ng Search Warrant for Violation of Sec 11, art 2 of RA 9165, na iginawag ni Hon. Reynaldo G. Ros, Executive Judge ng National Capital Region, RTC Branch 33, Manila.
Nakuha mula sa pamamahay ng mga suspek ang mga sumusunod:
a) Hadji Johairah Intan Adam – dalawang (2) pirasong plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu;
b) Mucsis Amenato a.k.a. Lumbak – tatlong (3) pirasong plastic sachet hinihinalang naglalaman ng shabu;
c) Muhaisen – isang (1) pirasong plastic sachet hinihinalang naglalaman ng shabu;
d) Mastorah Amentao – tatlong (3) pirasong plastic sachet hinihinalang naglalaman ng shabu;
e) Lindi Amer - isang (1) Baby Armalite kasama ang ilang magazine at bala; isang (1) shotgun at dalawampu’t apat (24) na bala; isang (1) caliber .45 at apatnapu’t anim (46) na bala live ammunition at limang (5) magazine. Samantalang wala namang nakuhang mga ebidensiya mula sa pamamahay nina Sittie Hadji Nasripha Esmael at Pimbago Manap.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa masusing pagmamasid ni Prosecutor Hilario B Dumaual ng Cavite Prosecutor’s Office (DOJ), kasama ang media at Barangay Officials na sumaksi sa maayos at mapayapang pagkumpiska sa mga ebidensiya.
Ang mga nasabing nasamsam na mga droga ay isinumite sa PDEA Laboratory para sa kaukulang eksaminasyon habang ang mga armas at bala nama’y nasa pangangalaga ng tanggapan ng pulisya para sa FED Verification.
Samantalang wala sa kani-kanilang mga pamamahay ang mga nasabing suspek nang maganap ang Search Operations. Inihahanda na ang mga kaukulang demanda laban sa mga ito. (ARJAY SALGADO)

No comments: